Site Search
Ang Suportang Panglegal Pangsibil
Ang Suportang Panglegal Pangsibil ay nagbibigay ng suporta para sa mga taong may pinansiyal na suliranin kapag nagkaroon sila ng problema sa batas. Kabilang sa mga taong ito ang mga mamamayan ng Japan at mga banyaga na legal na naninirahan sa Japan[i] .
Makakakuha ng suportang panglegal pangsibil para sa anuman at lahat ng kasong sibil, mga kaso sa ugnayang pampamilya, at administratibong mga kaso na pangangasiwaan sa pamamaraang sibil. Gayunpaman, hindi sakop ng tulong na ito ang mga usaping legal tungkol sa mga kriminal na kaso.
[i] Sa pagsasabatas ng Batas Para sa Pagpapatupad ng Kombensiyon Tungkol sa Aspektong Sibil ng Internasyonal na Pagdukot ng Bata, sa ilang partikular na kaso, ang isang tao na mamamayan ng isa sa mga estadong may kasunduan sa kombensiyon o may kinagawiang tirahan sa isa sa naturang mga estado ay itinuturing bilang isang mamamayan sa ilalim ng Batas sa Komprehensibong Panglegal na Suporta.(ang Kombensiyon ng Hague)
*Ang mga banyagang hindi nagsasalita ng Japanese ay dapat makipag-ugnayan sa Multi-language na Serbisyo ng Impormasyon (0570-078377) na nagbibigay ng isang three-party telephone conference na serbisyo kasama ang isang miyembro ng kawani ng JLSC at isang tagapagsalin. (Mula 9:00 am hanggang 5:00 pm mula Lunes hanggang Biyernes, toll call)
Upang maging kuwalipikado na tumanggap ng suporta mula sa JLSC, kinakailangang matugunan ang lahat ng sumusunod na mga kondisyon.
Mga Kondisyon para mabigyan ng tulong sa ilalim ng sistema (Pangkahalatang Ideya)
1 Ang halaga ng pinansiyal na kapasidad pangkabuhayan (tulad ng mga kita at mga ari-arian) ay mas mababa sa isang tiyak na antas.
Maliban sa mga kaso ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa, bilang palatuntunin, ang mga kita ng aplikante at ng kanyang asawa, pati na rin ang kanilang mga ari-arian ay pagsasamahin sa pagkakalkula at pagpapasiya.
* Kapag may mga gastusing pangmedikal, pang-edukasyon at iba pa, maaaring ibawas ang malaki-laking bahagi nito mula sa halaga ng kita.
- Pamantayan A: Ang kita ay mas mababa sa isang tiyak na antas
・Ang tinantiyang kita (1/12 ng taunang kita kasama ang bonus) ay ikakalkula batay sa sumusunod na pamantayan.
・Bilang ng mga miyembro ng pamilya = Aplikante + Asawa + Mga miyembro ng pamilya
na umaasa sa aplikante o sa kanyang asawa para sa kanilang pangkabuhayan
Nag-iisa | Pangdalawahang Pamilya | Pangtatluhang Pamilya | Pang-apatang Pamilya |
---|---|---|---|
¥182,000 (¥200,200) |
¥251,000 (¥276,100) |
¥272,000 (¥299,200) |
¥299,000 (¥328,900) |
* Ang mga halagang nasa loob ng panaklong ay para sa mga naninirahan sa malalaking lungsod tulad ng Tokyo at Osaka.
* Para sa pamilyang may higit na limang (5) miyembro, may dinadagdag na 30,000 yen (33,000 yen) sa karaniwang halaga para sa bawat dagdag na isang miyembro ng pamilyang naninirahang magkakasama.
* Kapag may binabayarang upa o pagkakautang pambahay (housing loan), idadagdag ang mga kaukulang halaga ayon sa sumusunod na limitasyon.
Nag-iisa | Pangdalawahang Pamilya | Pangtatluhang Pamilya | Pang-apatang Pamilya |
---|---|---|---|
¥41,000 | ¥53,000 | ¥66,000 | ¥71,000 |
- Pamantayan B : Ang halaga ng hinahawakang ari-arian ay mas mababa sa isang tiyak na antas
Nag-iisa | Pangdalawahang Pamilya | Pangtatluhang Pamilya | Pang-apatang Pamilya |
---|---|---|---|
¥1,800,000 | ¥2,500,000 | ¥2,700,000 | ¥3,000,000 |
* Kapag pagsuportang pangkonsultasyon ang pinag-uusapan, ang hawak na cash at salaping naimpok ay pinagsasama sa pagkalkula. Sa dako naman ng pagsuporta hingil sa panglegal na representasyon at sa paghahanda ng mga dokumento, isinaalang-alang ang halaga ng mga propyedad, mga seguridad at iba pa (bukod ang lupa at bahay at mga pinagtatalunang ari-arian)
2 Hindi masasabing walang posibilidad ang pagkapanalo sa kaso
Kapag may potensiyal na maayos ang mga hindi pinagkakaunawaan sa pamamagitan ng areglo, mediasyon, negosyasyon at iba pang paraan, pati na rin ang sitwasyon na maaaring mabigyan ng iksemsyon dahil sa sariling pagkabankarote.
3 Ang kaso ay angkop sa diwa ng pagtulong na panglegal pangsibil
Kapag nais lamang makapaghiganti o makapaglunsad ng adbertisment, o ang isasagawang pagdedemanda ay magdadala ng pang-aabuso ng karapatan.