Tagalog

Mga Serbisyo sa Impormasyon

 

Nagbibigay kami ng impormasyon batay sa mga katanungan ng mga gumagamit, sa sistema ng batas at mga organisasyon o grupong pangkonsultasyon (mga lokal na bar association, asosasyon ng judicial scrivener, tanggapang pangkonsultasyon sa mga lokal na pamahalaan atbp.) nang walang bayad.

Ginagabayan namin ang mga gumagamit tungo sa paglutas, kung nahaharap sila sa problemang nauukol sa batas, at hindi nila alam kung paano ito lutasin, o kung kanino magkokonsulta, o kung hindi rin ito nalalaman ng taong malapit sa kanila na nahaharap sa problemang nauukol sa batas; o kung nais nilang makakuha antimano ng impormasyon tungkol sa sistema ng batas upang makaiwas sa mga problemang nauukol sa batas sa hinaharap.

Para sa mga katanungan sa telepono, may mga dalubhasang operator sa tauhan ng aming call center upang mabigyan ang mga gumagamit ng madaling pag-access sa mapakikinabangang impormasyon para matulungan silang malutas ang kanilang mga isyu; kung nais nilang magkonsulta nang harapan, handang magbigay ng pamamatnubay ang mga dalubhasang tauhan sa mga tanggapang pandistrito ng JLSC sa buong bansa.

(Artikulo 30, Talata 1, Item 1 ng Komprehensibong Batas ng Suportang Legal)

Information Services in Tagalog