Site Search
Suporta para sa Mga Biktima ng Krimen
Sa serbisyong ito, nangongolekta kami ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa lokal na konsultasyon sa pakikipagtulungan sa mga organisasyon at grupo na nagbibigay ng suporta sa mga biktima ng krimen, at nire-refer namin ang mga biktima ng krimen sa mga organisasyon o mga grupo na nag-aalok ng kinakailangan nilang suporta.
Nagbibigay din kami sa mga biktima at sa mga miyembro ng kanilang pamilya ng impormasyon na nakakatulong sa kanilang magamit ang mga sistema para makalahok nang tama sa mga kriminal na paglilitis at makabawi mula sa pinsala at maibsan ang paghihirap ng biktima, pati na rin sa iba pang mga sistema para sa tulong.
Bilang karagdagan, kapag nais ng mga biktima na magkaroon ng suporta ng isang abogado, tulad ng mga legal na konsultasyon, ire-refer namin sila sa isang abogado. Para sa mga gastos sa abogado, depende sa kanilang pinansiyal na katayuan, maaari nilang samantalahin ang serbisyo sa legal na tulong na pansibil na iniaalok ng Jlsc o ng Mga Serbisyo sa Tulong na ipinagkatiwala ng Japan Federation of Bar Associations.
(Artikulo 30, Talata 1, Item 5 at iba pang Batas sa Komprehensibong Legal na Tulong)
Pangkalahatang-ideya ng Serbisyo at Paano Makipag-ugnayan sa Amin
< Pangkalahatang-ideya ng Serbisyo >
1. Pagbibigay ng Impormasyon ng Suporta
Nagbibigay kami sa mga biktima ng krimen at sa mga miyembro ng kanilang pamilya ng impormasyon tungkol sa suporta para sa biktima ng krimen, kabilang ang pagre-refer sa kanila sa mga serbisyo ng konsultasyon na sumusuporta sa mga biktima ng krimen at pagbibigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa mga legal na sistema na magagamit nila, ayon sa kanilang sitwasyon at mga pangangailangan matapos silang saktan, nang walang bayad.
2.Referral sa Abogado
Kung kailangan mo ng payo o suporta mula sa isang eksperto sa batas, ire-refer ka namin sa isang abogado na may karanasan at pag-unawa sa pagtulong sa biktima ng krimen ayon sa iyong sitwasyon.
[Mga Partikular na Halimbawa ng Pinsala]
Pagpatay, pag-atake para sa layuning makapanakit, pinsala sa katawan, puwersahang pakikipagtalik at iba pang mga katulad na krimen, puwersahang kalaswaan, karahasan sa tahanan, pang-aabuso, stalking, nakamamatay na aksidente sa trapiko, hit-and-run at iba pang katulad na mga kaso.
3.Mga Sistema sa Pagtulong Para sa mga Bayad sa Abogado at Iba Pang Gastusin
Kung makakatugon ka sa ilang partikular na kinakailangan, kabilang ang tungkol sa halaga ng iyong mga ari-arian (tandaan na ang bawat sistema sa pagtulong ay may iba't ibang mga kinakailangan), may karapatan kang gumamit ng iba't-ibang mga sistema sa pagtulong para sa mga bayad sa abogado at iba pang gastusin sa pamamagitan ng Jlsc.
Para sa pangkalahatang-ideya ng mga sistema, mangyaring sumangguni sa webpage sa Mga Sistema sa Pagtulong Para sa mga Bayad sa Abogado at Iba Pang Gastusin.
< Paano Makipag-ugnayan sa Amin >
Kung hindi ka nagsasalita ng Japanese, makipag-ugnayan sa serbisyo sa impormasyon na multilingual (0570-078377) , na nagbibigay ng three-party Telephone conference na serbisyo kasama ng isang empleyado ng Jlsc at isang tagapagsalin.
Ang serbisyo ay makukuha sa sumusunod na mga wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portuguese, Vietnamese, Tagalog, Nepali at Thai.
Kung nagsasalita ka ng Japanese, tawagan ang Linya ng Suporta Para sa Biktima ng Krimen (0120-079714) o makipag-ugnayan sa isa sa aming mga tanggapan na pinakamalapit sa iyo (Tumatanggap kami ng mga katanungan sa pamamagitan ng Telepono o sa isang panayam.).
Listahan ng Aming Mga Tanggapang Pandistrito
Mga Sistema sa Pagtulong Para sa mga Bayad sa Abogado at Iba Pang Gastusin
* Kung makakatugon ka sa ilang partikular na kinakailangan, may karapatan kang gamitin ang mga sistema sa pagtulong.
Tulong Para sa Legal na Konsultasyon Para sa mga Biktima ng Karahasan sa Tahanan at Ibang mga Pagkakasala
Nagbibigay ang mga abogado ng mga serbisyo sa legal na konsultasyon para sa mga taong nagdurusa mula sa karahasan sa tahanan, stalking at pang-aabuso sa bata, anuman ang kanilang pinansyal na kakayahan.
● Makikita at makakausap mismo ng mga biktima ang kanilang abogado upang humingi ng legal na payo (Ang serbisyo sa legal na konsultasyon ay hindi ibinibigay sa mga ahente ng biktima.
● Maaari silang humingi ng payo tungkol sa kriminal at sibil na gawain kung kailangan nila upang mahinto ang kanilang pagdurusa.
* Kung hindi ka makakuha ng sarili mong tagapagsalin ng ibang wika kahit na kailangan mo nito sa panahon ng konsultasyon, bibigyan ka namin ng serbisyo sa pagsasalin. Makipag-ugnayan sa isa sa aming Mga Tanggapang Pandistrito para sa mga detalye.
Tandaan na kung mayroon kang mga ari-arian na lalagpas sa sumusunod na pamantayan, sisingilin ka ng bayad sa konsultasyon (5,500 yen) kalaunan.
< Pamantayan sa Ari-arian >
Ang kabuuang halaga ng cash, mga deposito at ipon na malayang magagamit ng isang tao na nais gumamit ng isang serbisyo sa legal na konsultasyon ay hindi dapat lalagpas sa tatlong milyong yen sa panahon ng konsultasyon.
* Ang mga inaasahang magagastos sa loob ng isang taon mula sa petsa ng legal na konsultasyon bilang resulta ng karahasan sa tahanan, stalking, pang-aabuso sa bata o iba pang pagkakasala (hal., gastos sa pagpapagamot) ay ibabawas mula sa kabuuan ng cash, mga deposito at ipon.
Legal na Suporta Para sa mga Sibil na Gawain
● Tulong sa legal na konsultasyon
Kung makakatugon ka sa ilang partikular na kinakailangan, may karapatan kang tumanggap ng serbisyo sa legal na konsultasyon nang walang bayad sa isang abogado o manunulat sa hukuman para sa isang kaso na sibil, kaso sa relasyon sa tahanan o administratibong kaso.
● Tulong sa Pagkatawan at dokumentasyon
Kung makakatugon ka sa ilang partikular na kinakailangan, babayaran namin para sa iyo ang mga gastos sa abogado at iba pang mga gastos na kinakailangan para sa mga paglilitis sa loob ng hukuman sa isang kaso na sibil, kaso sa relasyon sa tahanan o administratibong kaso.
Suporta na Ipinagkatiwala ng Japan Federation Bar Associations
● Legal na Tulong Para sa mga Biktima ng Krimen
Para sa mga biktima ng pagpatay, pinsala sa katawan, mga sekswal na krimen, stalking o iba pang mga katulad na krimen, sila at ang mga miyembro ng kanilang pamilya ay may karapatang tumanggap ng suporta para sa mga gastos sa abogado at iba pang mga gastusin na natamo sa kriminal na paglilitis, paglilitis para sa hustisya sa kabataan at administratibong paglilitis.*
● Legal na Tulong Para sa mga Bata
Ang mga batang (wala pang edad na 20) na nangangailangan ng hustisya para sa karapatang pantao dahil sa pang-aabuso sa bata, atbp. ay may karapatang tumanggap ng suporta para sa mga bayad sa abogado at iba pang mga gastusin na natamo sa negosasyon sa isang administratibong kinatawan na isinagawa para sa kanila, legal na mga paglilitis na ginawa para sa kanila o sa iba pang katulad na mga usapin. *
* Mag-apply ng suporta sa abogado na balak mong kunin.
Sistema sa Abogadong Itinalaga ng Hukuman Para sa Lumalahok na mga Biktima
● Sistema para Makalahok ang mga Biktima sa Paglilitis
Ito ay isang sistema na nagbibigay-daan sa isang biktima ng isang partikular na krimen, atbp. na makalahok sa isang kriminal na paglilitis na batay sa desisyon ng isang hukuman upang makadalo ang biktima sa hukuman sa petsa ng paglilitis at matanong ang nasasakdal.
< Mga Taong Kuwalipikadong Makilahok sa Paglilitis Bilang Biktima >
((1)) Mga krimen na nagdulot ng kamatayan o pinsala dahil sa sinadyang kriminal na gawain (hal., pagpatay at pinsala sa katawan);
((2))Mga krimen ng puwersahang kalaswaan, puwersahang pakikipagtalik, at iba pa, kalaswaan ng isang taong may kustodiya sa isang tao na wala pang 18 at iba pang mga katulad na krimen;
((3)) Mga krimen ng labag sa batas na paghuli at pagkukulong;
((4)) Mga krimen ng pagkidnap gamit ang lakas o pang-aakit at paglabag sa karapatang pantao;
((5)) Iba pang mga krimen na kabilang sa mga kriminal na gawain na nakalista sa mga item (ii) hanggang (iv);
((6)) Mga krimen ng walang ingat na pagmamaneho na nagiging sanhi ng kamatayan o pinsala sa katawan at iba pang mga katulad na krimen; at
((7)) Pagtatangkang gumawa ng anumang mga krimen na nakalista sa item (i) hanggang (v).
Ang mga sumusunod na tao ay kuwalipikadong lumahok sa mga paglilitis bilang mga biktima: ang mga biktima mismo ng alinman sa mga krimen na nakalista sa item (i) hanggang (vii) sa itaas at ang kanilang mga statutory agent pati na rin ang mga asawa, mga kadugong kamag-anak at kapatid ng mga biktima ng krimen kung ang mga biktima mismo ay namatay o mayroong malubhang karamdaman sa isip o pisikal na problema.
● Sistema sa Abogadong Itinalaga ng Hukuman Para sa Lumalahok na mga Biktima
Ito ay isang sistema kung saan ang hukuman ay magtatalaga ng abogadong itinalaga ng hukuman para sa lumalahok na mga biktima at sasagutin ng pambansang pamahalaan ang mga gastos doon upang ang lumalahok na biktima na hindi kayang bayaran ang gastos ay makatanggap ng suporta ng isang abogado (abogado para sa lumalahok na biktima).
< Mga Kondisyon sa Paggamit >
Kung nais mong gamitin ang sistema bilang isang lumalahok na biktima, dapat ay mas mababa sa dalawang milyong yen ang halaga ng iyong pinansiyal na mga mapagkukunan (ang kabuuang halaga ng cash, mga deposito at iba pang ari-arian) matapos ibawas ang mga inaasahang magagastos sa loob ng anim na buwan bilang resulta ng pagkilos sa krimen (hal., gastos sa papapagamot).
Sistema Para Bayaran ang Transportasyon at Iba Pang Gastusin Para sa Lumalahok na mga Biktima
Ito ay isang sistema kung saan babayaran ng pambansang pamahalaan ang transportasyon at iba pang gastusin para sa mga taong lumalahok sa mga kriminal na paglilitis sa pamamagitan ng paggamit ng sistema para makalahok ang mga biktima sa mga paglilitis. Maaaring mag-apply ang sinumang kalahok na biktima para maibalik ang mga nagastos, anuman ang kanilang pinansiyal na pinagkukunan o sa kabila ng iba pang mga salik.
Babayaran ng pambansang pamahalaan ang kanilang gastos sa transportasyon (mga gastos sa biyahe) at araw-araw na panggastos pati na ang mga gastos sa tutuluyan kung sakaling kailangan nila ng matutuluyan dahil lumalahok sila sa isang paglilitis na gaganapin sa hukuman na malayo mula sa kanilang tirahan o para sa anumang ibang katulad na dahilan.