このページの先頭ですサイトメニューここから
このページの本文へ移動
サイト内検索

  1. トップページ
  2. Legal Information for Foreign Nationals(外国人のみなさまへ)
  3. Bagay-bagay na may kinalaman sa sambahayan: pagkilala, sustento sa anak, pagbisita, pamana atbp.
本文ここから

Bagay-bagay na may kinalaman sa sambahayan: pagkilala, sustento sa anak, pagbisita, pamana atbp.

更新日:2023年2月17日

Mangyaring basahin ito bago gamitin.

  • Ang FAQ ay nagpapakilala ng mga pangkalahatang legal na sistema sa Japan, at hindi nito sinasagot ang indibidwal at partikular na mga konsultasyon. Dagdag pa rito, maaaring hindi malapat ang legal na sistema ng Japan depende sa indibidwal na pangyayari.
  • Para sa mga nais malaman kung mayroong FAQ na hindi nakalagay rito o nais ng indibidwal at partikular na konsultasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa multilingual information service (0570-078377). Depende sa nilalaman ng konsultasyon, susuriin ang FAQ at consultation desk at gagabayan ka.
  • Batay sa FAQ, susubukan namin na lutasin ang iyong indibidwal at partikular na problema, at kung nagdulot man ng anumang pinsala, mangyaring tandaan na hindi mananagot ang Houterasu rito.

Talaan ng Nilalaman

Pagpapakasal

Bagay-bagay na may kinalaman sa sambahayan atbp.

Sustento sa anak

Pagbisita

Pamana

Q01: Ano ang ibig sabihin ng aksyon para sa pagkilala?

  • Ito ay proseso kung saan tatanggapin ang pagkilala sa anak sa pamamagitan ng hatol ng hukumang pampamilya, kapag hindi sumasang-ayon ang ama na kilalanin ang bata.

(Paliwanag)
・Maaaring magsampa ng aksyon ng pagkilala ang anak sa labas at ng kanyang lineal descendant (anak o apo).
・Kailangang mag-petisyon muna ng arbitrasyon ng pagkilala sa hukumang pampamilya bago magsampa ng demanda hanggang buhay pa ang kabilang panig. Kahit na nagkasundo ang mga panig sa arbitrasyon, hindi agad tinatanggap ang pagkilala, ngunit kikilalanin lamang ito pagkatapos siyasatin ng hukumang pampamilya ang katotohanan at kilalanin ang pagkakasundo, at isinagawa ang “hatol na katumbas ng pagkakasundo.”
・Kapag hindi nagkasundo sa arbitrasyon, doon lamang maaaring magsampa ng aksyon ng pagkilala sa hukumang pampamilya.
・Maaaring magsampa ng aksyon ng pagkilala kailanman habang nabubuhay ang ama, ngunit pagkamatay niya, kailangan itong isampa sa loob ng 3 taon pagkatapos ng kaniyang kamatayan.
・Kapag napatunayan sa demanda na magkadugo ang ama at anak, magbibigay ng hatol ng pagtanggap sa pagkilala sa anak.
・Gayundin, sa kaso ng fetus, maaaring mag-petisyon ng arbitrasyon ang ina laban sa ama (arbitrasyon upang hilingin ang notipikasyon ng pagkilala sa fetus), ngunit kung hindi magkasunduan sa arbitrasyon, itinuturing na hindi maaaring magsampa ng aksyon para sa pagkilala hangga’t hindi pa ito isinilang.

00139

Q02: Anong mga proseso ang kailangan kapag magpapakasal ang dalawang dayuhang nakatira sa Japan?

  • Kung kikilalanin ng ama ang bata habang nagbubuntis ang ina (bago isilang), natural na makakuha ng nasyonalidad na Hapones ang bata pagkasilang.
  • Kung matutugunan ang mga legal na requirement, makakakuha siya ng nasyonalidad na Hapones sa pamamagitan ng pagpapadala ng notipikasyon.
  • Kung hindi siya pinayagang makakuha ng nasyonalidad na Hapones sa pamamagitan ng pagpapadala ng notipikasyon, maaaring mag-apply para sa naturalization.

(Paliwanag)
・Para sa batang isinilang sa pagitan ng lalaki at babaeng hindi legal na kasal (batang isinilang nang labas sa kasal), makakuha ang bata ng nasyonalidad na Hapones pagkasilang niya kung kikilalanin ng amang mamamayang Hapones ang bata bago ito isilang.
・Makakakuha ng nasyonalidad na Hapones ang batang isinilang nang labas sa kasal sa pamamagitan ng pagsumite ng notipikasyon ng pagkuha ng nasyonalidad, kung matutugunan ang lahat ng mga sumusunod na legal na requirement.
(1) Wala pang 18 taong gulang(*) noong ipinadala ang notipikasyon
(2) Mamamayan ng Japan ang kumilalang ama noong pagkasilang ng bata.
(3) Mamamayan ng Japan ang kumilalang ama sa oras ng pagpapadala ng notipikasyon (kung namatay na ang ama bago magpadala ng notipikasyon, mamamayan ng Japan noong siya ay namatay)
・Kung nasa Japan ang address, isusumite ang notipikasyon ng nasyonalidad sa Legal Affairs Bureau o District Legal Affairs Bureau na nasa hurisdiksyon ng address. Kung nasa ibang bansa ang address, isusumite ito sa diplomatikong establisimiento sa ibayong dagat ng Japan.
・Para sa mga detalye, mainam na kumonsulta sa eksperto tulad ng abogado atbp. ng Legal Affairs Bureau o District Affairs Bureau atbp.




(*) Mula Abril 1, 2022, pinalitan ang kondisyon (1) mula wala pang 20 gulang sa wala pang 18 taong gulang. Gayunpaman, hanggang sa Marso 31, 2024, kung natutugunan ang mga kondisyon (2) at (3) sa itaas sa Abril 1, 2022, at wala pang 20 taong gulang sa oras ng pagpapadala ng notipikasyon, maaaring magpadala ng notipikasyon para sa pagkuha ng nasyonalidad na Hapon.

03069

Q03: Noong nagkarelasyon ako sa taong kasal, hinilingan ako ng bayad-pinsala ng asawa ng taong nakarelasyon ko. Tinatanggap ba ang kahilingang ito?

  • Bilang pangkalahatang tuntunin, tinatanggap ang kahilingan para sa bayad-pinsala. Gayunpaman, kung kinikilala na nawala na ang substansya ng buhay mag-asawa ng taong kasal na nakarelasyon noong nagsimula ang pakikipagrelasyon, o kung hindi nalaman na kasal ang nakarelasyon kahit na lubos na nag-ingat, at hindi alam ang katotohanan, hindi tatanggapin ang kahilingan para sa bayad-pinsala.

(Paliwanag)
・Ang pakikipagrelasyon sa taong kasal ay itinuturing na ilegal na gawain laban sa asawa ng nakarelasyon, kung kaya’t mayroong obligasyon na magbayad ng bayad-pinsala.
・Gayunpaman, kung kinikilala na nawala na ang substansya ng buhay mag-asawa ng taong kasal na nakarelasyon noong nagsimula ang pakikipagrelasyon, itinuturing na hindi tatanggapin ang kahilingan para sa bayad-pinsala.
・Ito ay alinsunod sa ideya na nawala na ang relasyon ng substansya sa kasal na dapat bigyan ng legal na proteksyon.
・Bukod dito, kung hindi nalaman na kasal ang taong karelasyon kahit na lubos na nag-ingat (halimbawa, kung niloko ng taong kasal na karelasyon na nagsabing hindi siya kasal), at hindi alam ang katotohanan, itinuturing na hindi tatanggapin ang kahilingan para sa bayad-pinsala kahit na nanghimasok sa buhay mag-asawa dahil hindi ito maituturing na ilegal na gawain sa kadahilanang hindi ito ginawa nang may intensyon o pagkakamali.

00134

Q04: Ako ay Hapones. Maaari ba akong mag-ampon ng batang dayuhan?

  • Walang restriksyon sa nasyonalidad ng taong aampunin ayon sa Kodigo Sibil ng Japan, kung kaya’t maaari ring mag-ampon ng batang dayuhan.
  • Gayunpaman, importanteng alalahanin na kahit na mag-ampon ng dayuhang bata mula sa ibang bansa, hindi nito ibig sabihin na mabibigyan na ng status of residence sa Japan ang inampong bata.

(Paliwanag)
・Nagdedepende ang pag-aampon ayon sa Kodigo Sibil ng bansa kung saan nanggagaling ang “magulang na mag-aampon” kung kaya’t kung Hapones ang mag-aampon na magulang, dedesisyunan ito batay sa Kodigo Sibil ng Japan. Gayundin, kung mayroong nakatakdang requirement para sa proteksyon ng batang aampunin sa batas ng bansa ng “taong aampunin” (halimbawa, pagsang-ayon ng mismong tao o ng ikatlong panig, permiso ng pampublikong institusyon atbp.), kailangan ding tugunin ang requirement para sa proteksyon na ito.
・Sa kaso kung saan kailangang masangkot ang hukuman para makumpleto ang pag-aampon (halimbawa, sa kaso ng pag-aampon ng menor-de-edad o sa kaso ng espesyal na pag-aampon), maaaring gamitin ang hukumang pampamilya ng Japan kung alinman sa mag-aampon na magulang o aampuning tao (o kung silang pareho) ay nakatira sa Japan.
・Sa pangkalahatang tuntunin, ang batang may dayuhang nasyonalidad ay mabibigyan ng status of residence sa Japan sa sumusunod na mga kaso.
(1) Kung espesyal na ampon ng taong Hapones, mabibigyan siya ng status of residence na “Spouse or child of a Japanese national”
(2) Kung regular na ampon na mas mababa sa 6 na taong gulang na susuportahan ng mag-aampon na magulang na Hapones, mabibigyan siya ng status of residence na “Long-term resident”
(3) Kung ampon ng Hapones na naiwan sa Tsina (gayunpaman, may kondisyon tulad ng patuloy na pagsasama sa tirahan o pagtanggap ng suporta mula sa mag-aampong magulang bago pa sumapit ang 6 na taong gulang atbp.), mabibigyan siya ng status of residence na “Long-term resident”
・Kahit na 6 na taong gulang o higit pa ang regular na ampon, kung ang ampon ay menor-de-edad at hindi pa kasal na tunay na anak ng dayuhang naninirahan sa Japan sa ilalim ng status of residence na “Spouse or child of a Japanese national,” maaari siyang mabigyan ng status of residence na “Long-term resident” bilang anak sa naunang asawa ng dayuhang iyon.
・Makabubuting kumonsulta sa eksperto tulad ng abogado, atbp. para as mga detalye. Gayundin, may mga kaso rin kung saan kailangan ding kumonsulta sa abogado, atbp. sa nauukol na dayuhang bansa, kung kaya’t inirerekomenda naming isama rin ninyong kumpirmahin ito at kumonsulta din sa kanila.

00146

Q05: Wala kaming pinagkasunduan ukol sa kabayaran sa pagsuporta sa anak noong magdiborsyo kami, ngunit maaari pa rin bang makatanggap ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak kahit na lumipas na ang panahon mula nang magdiborsyo? Sa kasong iyon, maaari ba akong makatanggap ng bayad para sa pagsuporta sa anak para sa nakalipas na panahon?

  • Habang nasa kalagayan ang anak upang mangailangan ng suporta, maaaring humiling ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak kahit pagkatapos magdiborsyo.
  • May mga kaso kung saan kinikilala ang obligasyon na magbayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak para sa nakalipas na panahon, ngunit kung hindi makapag-diskusyon o hindi maabot ang kasunduan, ang hukuman ang magdedesisyon kung hanggang katagal babalikan ang pagbabayad. Sa aktuwalidad, madalas na limitado ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak na magsimula sa panahon kung kailan ito hiniling.

(Paliwanag)
・Ang obligasyon ng pagbayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak ay nanggagaling sa relasyon sa pagitan ng magulang at anak, at walang kinalaman sa kustodiya o kung magkasamang naninirahan. Kahit pagkatapos magdiborsyo, may obligasyon ang ama at ina na ibahagi ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak, habang nasa kalagayan ang anak upang mangailangan ng suporta.
・Kung nagdiborsyo nang hindi nagkakasundo ukol sa kabayaran para sa pagsuporta sa anak, magdedesisyon ukol sa babayarang halaga, panahon ng pagbayad, paraan ng pagbayad atbp. sa pamamagitan ng diskusyon sa pagitan ng ama at ina. Sa kasong iyon, kailangang bigyan ng pinakamataas na priyoridad ang interes ng anak.
・Kung hindi makapag-diskusyon o kung hindi maabot ang kasunduan, hihilingin ang arbitrasyon o paglilitis ng pagbayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak sa hukumang pampamilya. Kung hiniling ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak para sa nakalipas na panahon, magsasagawa ng desisyon ang hukumang pampamilya ukol sa kabayaran sa pagsuporta sa anak, kabilang ang kung hanggang katagal babalikan ang pagbabayad.
・Kung mayroong nakatakdang espesipikong panahon ng pagbayad at halaga ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak, mawawala ang karapatang humiling ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak pagkalipas ng 5 taon mula nang panahon ng pagbayad, dahil sa statute of limitations. Gayunpaman, hindi saklaw ng statute of limitations ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak para sa nakalipas na panahong kung walang pinagkasunduan.
・Makabubuting kumonsulta sa abogado para sa mga detalye.

00106

Q06: Napagkasunduan ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak, ngunit hindi na ito nababayaran. Anong legal na pamamamaraan mayroon ako?

  • Kung napagkasunduan sa pamamagitan ng atbitrasyon, paglilitis atbp., mayroong pamamaraan ng performance recommendation, injunction, at compulsory execution.
  • Kung napagkasunduan sa pamamagitan ng notarial deed na may deklarasyon ng pagkilala sa compulsory execution, magsasagawa ng compulsory execution.

(Paliwanag)
・Hindi maaaring legal na sapilitang pagbayaran kung napagkasunduan lamang sa pamamagitan ng salita o dokumentong nilikha ng dalawang partido. Sa kasong ito, may paraan ng pag-petisyon ng arbitrasyon sa hukumang pampamilya upang hilingin ang pagbabayad sa kabayaran para sa pagsuporta sa anak.
・Kung mayroon ng arbitrasyon o paglilitis atbp. sa hukumang pampamilya, maaaring mag-petisyon ng performance recommendation, injunction, at mag-petisyon ng compulsory execution sa hukuman ng distrito, bilang paraan ng pagkuha sa pagbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak alinsunod sa napagkasunduan. Kung nilikha sa notaryo publiko ang notarial deed na may deklarasyon ng pagkilala sa compulsory execution, maaari lamang gamitin ang compulsory execution.
・Para sa proseso ng performance recommendation at injunction, mangyaring kumpirmahin ito sa hukumang pampamilya kung saan isinagawa ang arbitrasyon o paglilitis atbp. Para sa proseso ng compulsory execution, mangyaring kumpirmahin ito sa hukuman ng distrito na may hurisdiksyon sa lokasyon ng ibang partido (para sa compulsory execution ng lupa’t bahay, sa hukuman ng distrito na may hurisdiksyon sa lokasyon nito).
・Inirerekumenda naming kumonsulta sa abogado ukol sa kung aling paraan ang pipiliin, panahon ng pagpili, at desisyong nauugnay sa partikular na kaso.

00107

Q07: Maaari bang hilingin na bawasan ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak?

  • Kung nagkaroon ng pagbabago sa kalagayang personal at panlipunan na hindi maisip na mangyari noong napagdesisyunan ang halaga ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak, at hindi na akma ang halaga ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak sa kasalukuyang aktuwal na sa sitwasyon, maaaring hilingin na bawasan ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak.

(Paliwanag)
・Ang antas at paraan ng pagsuporta ay itinatakda nang may konsiderasyon sa pangangailangan ng pagsuporta, kakayahang pinansyal ng taong may obligasyong magbigay ng suporta, at lahat ng iba pang kalagayan.
・Kahit na napagkasunduan o kinilala na sa paglilitis ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak, maaaring itong baguhin o bawiin ng hukumang pampamilya kung pagkatapos noon, nagkaroon ng hindi inaasahang pagbabago sa kalagayan tulad ng pagbabago sa katayuang pinansyal ng ama o ina, pagtaas ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak atbp.
・Gayunpaman, hindi kinikilala bilang pagbabago sa kalagayan na nangangailangan ng pagbabago sa kabayaran para sa pagsuporta sa anak ang mga pagbabago sa katayuan na saklaw ng hindi inaasahang pagbabago noong napagdesisyunan ang halaga ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak.
・Ang halimbawa ng mga hindi inaasahang pagbabago sa katayuan noong napagdesisyunan ang halaga ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak ay ang pagkawala ng trabaho dahil sa pagkabangkarote ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ng magulang, matagal na pagpapaospital ng magulang dahil sa sakit o sugat, at kung kinasal muli ang magulang, pagtaas ng gastusin sa pamumuhay dahil sa kanyang pamilya pagkatapos siyang ikasal muli.
・Kung magkaroon ng pagbabago sa katayuan tulad ng nasa itaas, maaaring humiling na bawasan ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak sa pamamagitan ng diskusyon sa pagitan ng ama at ina, atbitrasyon, at paglilitis, batay sa kalagayang ito na saklaw ng pangangailangan ng pagbabago sa halaga ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak.
・Kung naging ampon ng ibang tao ang anak, ang nag-ampon na magulang ang magpapasan ng pangunahing obligasyon sa pagbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak, kung kaya’t may posibilidad na aprubahan ang kahilingan para sa pagbawas ng halaga.
・Makabubuting kumonsulta sa eksperto tulad ng abogado, atbp. para sa mga detalye.

00104

Q08: Gusto kong makipagkita at bisitahin ang aking anak. Ano ang dapat kong gawin?

  • Ukol sa pakikipagkita at pagbisita sa anak ng ama at ina pagkatapos magdiborsyo o kasalukuyang naninirahan nang magkahiwalay, pagpapasyahan ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa pagitan ng ama at ina. Kung hindi maganda ang kinalabasan ng pakikipag-usap, o kung hindi maaring makipagkita at bisitahin ang anak tulad ng ipinangako, maaring gamitin ang proseso ng arbitrasyon ng hukumang pampamilya.

(Paliwanag)
・Tungkol sa pakikipagkita at pagbisita sa anak, bibigyan ng pinakamataas na priyoridad ang interes ng anak at hindi lamang ang pananaw ng karapatan ng magulang, at kailangang bigyan ng konsiderasyon ang kapakanan ng anak upang hindi ito maging pabigat sa kanya.
・Hangga’t maaari, pagpapasyahan nang detalyado ang paraan ng pakikipagkita at pagbisita tulad ng dalas, oras, lugar atbp.
・Kung hindi maganda ang kinalabasan ng pakikipag-usap, o kung hindi maaring makipagkita at bisitahin ang anak tulad ng ipinangako, maaaring gamitin ang proseso ng arbitrasyon ng hukumang pampamilya. Kung hindi magkasunduan sa arbitrasyon, awtomatikong magsisimula ang proseso ng paglilitis, at bibigiyang ng konsiderasyon ng hukom ang lahat ng mga kalagayan at magdedesiyon tungkol sa paraan ng pakikipagkita at pagbisita atbp. (disposisyon ukol sa pangangalaga at kustodiya ng anak).
・Makabubuting kumonsulta sa abogado para sa mga detalye.




*Kapag nabigo ang internasyonal na pamumuhay ng mag-asawa at isinama ng isa sa mga magulang ang anak sa kanyang pinagmulang bansa nang walang pagsang-ayon ng isa pang magulang na tinatawag na “parental child abduction,” biglaang magbabago ang kinalakihang pundasyon ng pamumuhay ng anak, at may posibilidad na magkaroon ito ng masamang epekto sa anak. Mangyaring kumpirmahin ang FAQ ukol sa Hague Convention (Kasunduan ukol sa Aspektong Sibil ng Internasyonal na Pagdukot ng Bata) para sa isyung ito.

00116

Q09: Hindi binabayaran ng aking dating asawa ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak. Kailangan ko bang pahintulutang makipagkita at bumisita ang aking dating asawa kahit na hindi siya nagbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak?

  • Hindi kapalit ng pagbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak ang pagsasagawa ng pakikipagkita at pagbisita. Dahil dito, hindi tinatanggap ang mga deklarasyon tulad ng “Hindi ka pwedeng makipagkita at bumisita dahil hindi mo binabayaran ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak” o “Hindi ako magbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak dahil hindi ako pinahihintulutang makipagkita at bumisita.”
  • Gayunpaman, maaaring magkaroon ng limitasyon sa pakikipagkita at pagbisita kung hindi magbayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak nang walang makatuwirang dahilan.

(Paliwanag)
・Napakahalaga ng pagbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak at pagsagawa ng pakikipagkita at pagbisita para sa malusog na paglaki ng anak. Walang “relasyon ng kapalit” ang dalawang ito, at hindi ibig sabihin na kapag hindi ginawa ng isa ang dapat gawin, hindi rin ito gagawin ng isa pa.
・Dahil dito, hindi tinatanggap ang mga deklarasyon tulad ng “Hindi pwedeng makipagkita at bumisita ang aking dating asawa dahil hindi niya binabayaran ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak” o “Hindi ako magbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak sa aking dating asaawa dahil hindi ako pinahihintulutang makipagkita at bumisita.”
・Gayunpaman, mayroon ding pananaw na kailangang lagyan ng limitasyon ang pakikipagkita at pagbisita kung hindi nagbabayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak nang walang makatuwirang dahilan, tulad ng hindi pagbayad ng kabayaran para sa pagsuporta sa anak kahit na may kakayahang pinansyal upang bayarin ito. Maaaring ipalagay na isang uri ng abuso sa karapatan ang paghiling ng pakikipagkita at pagbisita nang hindi tinutupad ang importanteng responsibilidad ng magulang na bayaran ang kabayaran para sa pagsuporta sa anak.
・Makabubuting kumonsulta sa abogado para sa mga detalye.

04677

Q10: Ano ang legal na tagapagmana?

  • Ang tagapagmana na nakatakdang maging tagapagamana ayon sa Kodigo Sibil ay tinatawag na legal na tagapagmana.

(Paliwanag)
・Mayroong dalawang uri ng legal na tagapagmana: asawa at kadugong kapamilya.
・Ang asawa ay palaging tagapagmana.
・Mayroong pagkakasunod-sunod ang kadugong kapamilya, at ang nauunang tao ang siyang magiging tagapagmana.
・Ang pinakauna sa pagkakasunod-sunod ay ang anak ng taong nag-iwan ng pamana. Kung namatay na ang anak, ito ang kanyang kinatawang tagapagmana (anak, apo, apo sa tuhod atbp.)
・Ang pangalawa sa pagkakasunod-sunod ay ang lineal descendant (magulang atbp. ng taong nag-iwan ng pamana).
・Ang pangatlo sa pagkakasunod-sunod ay ang kapatid na lalaki o babae ng taong nag-iwan ng pamana. Kung namatay na ang kapatid na lalaki o babae, ang kaniyang kinatawang tagapagmana (limitado lamang sa kanyang anak, at hindi kabilang ang apo, apo sa tuhod atbp.)

00219

Q11: Ano ang mga proseso sa paghahati ng pamanang ari-arian?

  • Mayroong 4 na proseso ayon sa sumusunod.
  1. Paghahati ng pamanang ari-arian sa pamamagitan ng will and testament
  2. Paghahati ng pamanang ari-arian sa pamamagitan ng diskusyon sa pagitan ng mga tagapagmana
  3. Paghahati ng pamanang ari-arian sa pamamagitan ng arbitrasyon sa hukumang pampamilya
  4. Paghahati ng pamanang ari-arian sa pamamagitan ng hatol ng hukumang pampamilya

(Paliwanag)
・Ang paghahati ng pamanang ari-arian ay ang proseso ng paghahati ng sama-samang minanang ari-arian sa mga tagapagmana.
・Ang saklaw ng pamana at tagapagmana ay makukumpirma lamang kapag nagsimula ang pagmamana, kung kaya’t magkakaroong-bisa lamang ito kapag sinang-ayunan ito ng bawat tagapagmana sa diskusyon pagkatapos magsimula ang pagmamana. Dahil dito, walang bisa ang diskusyon ukol sa paghahati ng pamanang ari-arian bago magsimula ang pagmamana (habang buhay pa ang taong mag-iiwan ng pamana).
・Kung hindi magkasundo ang mga magkakasamang tagapagmana sa diskusyon tungkol sa paghahati ng pamanang ari-arian, o kung hindi maaaring magsagawa ng diskusyon, maaaring magsampa ng petisyon para sa arbitrasyon o paglilitis sa hukumang pampamilya ang bawat tagapagmana.
・Ang arbitrasyon ay proseso ng pagdedesisyon ng paraan ng paghahati sa pamamagitan ng diskusyon gamit ang arbitrator atbp.
・Ang paglilitis ay proseso kung saan dedesisyunan ng hukuman nang sapilitan ang paghahati ng pamanang ari-arian.
・Maaaring magsampa ng petisyon para sa paglilitis mula sa simula, ngunit sa pangkaraniwan, inuuna muna ang petisyon para sa arbitrasyon bago ang paglilitis.
・Ang petisyon para sa arbitrasyon ay isasagawa sa address ng kasangkot na partido (isa sa mga magkakasamang tagapagmana) o sa hukumang pampamilyang itinakda at sinang-ayunan ng mga nasasangkot.
・Ang petisyon para sa paglilitis ay isasagawa sa hukumang pampamilya na may hurisdiksyon sa lugar kung saan nagsimula ang pagmamana (huling address ng taong nag-iwan ng pamana) o sa hukumang pampamilyang itinakda at sinang-ayunan ng mga nasasangkot.

00264

Q12: Natuklas ko ang will and testament ng kapamilyang namatay. Ano ang dapat kong gawin para sa proseso ng pagmamana?

  • Kailangang magsampa ng petisyon para sa probate ng will and testament sa hukumang pampamilya.
  • Depende sa nilalaman ng will and testament, maaaring kailanganing magtalaga ng executor ng will and testament.

(Paliwanag)
・Kapag nalaman ng custodian ng will and testament ang tungkol sa simula ng pagmamana, o kapag nahanap ito ng tagapagmana, kailangan itong isumite sa lalong madaling panahon sa hukumang pampamilya, at hilingin ang probate nito, maliban na lang kung nilikha ang will and testament sa pamamagitang ng notarized deed.
・Sa partikular, kung nais mong magparehistro ng pagmamana ng lupa’t bahay, hindi mo magagamit ang will and testament bilang kalakip ng rehistradong dokumento maliban na lang kung nilikha ito sa pamamagitan ng notarized deed, o kung nakatanggap na ito ng probate ng hukumang pampamilya.
・Gayundin, para sa mga will and testament na nakatago atbp. sa Legal Affairs Bureau pagkatapos ng araw ng pagpapatupad ng batas ukol dito (Act on Storage of Wills in Legal Affairs Bureau) (Hulyo 10, 2020), hindi na rin kailangang tumanggap ng probate ang mga will and testament na nakatago sa Legal Affairs Bureau alinsunod sa batas na ito.
・Ang probate ay para lamang tiyakin ang will and testament, at hindi nito dinedesisyunan ang pagkabisa nito, tulad ng kung totoo o hindi ang nilalaman nito atbp. Dahil dito, pagtatalunin sa korte ang pagkabisa o pagkawalang-bisa ng nilalaman ng will and testament.
・Kailangan ang aksyon ng executor ng will and testament upang isakatuparan ang nilalaman ng will and testament, tulad ng pagbibigay ng ari-arian, pag-alis ng ipinapalagay ng tagapagmana, at pagkilala. Kung walang itinakdang executor ang will and testament, hihilingin sa hukumang pampamilya na magtalaga ng executor ng will and testament.

00289

Q13: Ano ang proseso ng pagtakwil sa pagmamana?

  • Ito ay deklarasyon ng intensyon ng tagapagmana na tanggihan ang karapatan at obligasyon ng taong nag-iwan ng pamana, at ito ay proseso sa hukumang pampamilya.

(Paliwanag)
・Tinatanggap ang pagtatakwil sa pagmamana sa pamamagitan ng pagsumite ng nakasulat na deklarasyon sa hukumang pampamilya na may hurisdiksyon sa huling address ng taong nag-iwan ng pamana sa loob ng 3 buwan mula nang nalaman ang simula ang pagmamana, at ang pagtanggap sa nakasulat na deklarasyong ito. Bukod dito, kahit na pormal itong tinanggap, hindi nito ibig sabihin na nakumpirma na ang pagkabisa ng pagtakwil sa pagmamana. Kung mayroong legal na dahilan upang mawalan ito ng bisa atbp., maaari ring pagtalunan ang pagkabisa nito sa isang demanda sa kinalaunan.
・Kung hindi makapagdesisyon sa loob ng 3 buwan, maaaring mag-petisyon ng extension ng panahon sa hukumang pampamilya.
・Sa ilang kaso, maaaring itakwil ang pamana kahit na higit sa 3 buwan na ang nakalipas mula nang nagsimula ang pagmamana, kung nakatanggap ng claim mula sa creditor pagkalipas ng ilang panahon pagkatapos magsimula ang pagmamana, at nalaman lamang sa pagkakataong iyon ang tungkol sa utang ng taong nag-iwan ng pamana.
・Kapag itinakwil ang pamana, ang ituturing na ang taong iyon ay hindi na tagapagmana mula sa simula. Hindi na rin maaaring magmana bilang kinatawan ang lineal descendant (anak, apo atbp.) ng taong nagtakwil ng pamana.
・Sa pamamagitan ng pagtakwil sa pamana, ang kasunod sa linya ng pagmamana alinsunod sa batas ng pagmamana ang magiging tagapagmana. Halimbawa, kapag itinakwil ng lahat ng anak ang pamana, ang lineal ascendant (ama, ina atbp.) ang magiging tagapagmana. Kapag itinakwil din ng lahat ng lineal ascendant ang pamana, ang mga kapatid na lalaki o babae ay magiging tagapagmana. Gayundin, ang asawa ng nag-iwan ng pamana ay laging tagapagmana.
・Kapag higit ang utang kaysa sa asset ng pamanang pag-aari, kailangang itakwil ng lahat ng mga taong ito ang pamana upang maiwasan ang utang.

00210

Q14: Hanggang kailan dapat isagawa ang pagtakwil sa pamana?

  • Kailangan itong isagawa sa loob ng 3 buwan mula nang nalaman mong nagsimula ang pagmamana para sa iyo. Gayundin, ang panahong ito ay tinatawag na “panahon ng konsiderasyon.”

(Paliwanag)
・Ang ibig sabihin ng “panahon noong nalaman mong nagsimula ang pagmamana para sa iyo” ay panahon noong nalaman mo ang tungkol sa katotohanan ng pagkamatay ng taong nag-iwan ng pamana (taong namatay). Gayunpaman, kung magiging tagapagmana dahil itinakwil ang pamana ng nauna sa iyong tagapagmana (halimbawa, kapag naging tagapagmana ang ama o ina ng taong nag-iwan ng pamana dahil itinakwil ang pagmamana ng anak ng taong nag-iwan ng pamana), ito ay panahon kung kailan nalaman mo rin ang tungkol sa pagtakwil ng pagmamana ng nauna sa iyong tagapagmana.
・Magsusumite ng nakasulat ng deklarasyon ng pagtakwil sa pagmamana sa hukumang pampamilya na may hurisdiksyon sa huling address ng taong nag-iwan ng pamana sa loob ng panahon ng konsiderasyon. Kapag natanggap ng hukumang pampamilya ang deklarasyon ng pagtakwil sa pagmamana, kikilalanin ang pagtakwil sa pagmamana.
・Kapag mayroong higit sa isang tagapagmana, hiwa-hiwalay na magpapatuloy ang 3 buwan na panahon ng konsiderasyon para sa bawat indibidwal.
・Maliban sa mismong tagapagmana, maaaring magka-extension ang 3 buwan na panahon ng konsiderasyon dahil sa kahilingan ng nasasangkot na partidong may interes (halimbawa, creditor ng tagapagmana, kasunod na tagapagmana, creditor o debtor ng taong nag-iwan ng pamana).
・Gayundin, maaaring kilalanin ang pagtakwil sa pagmamana kahit na 3 buwan na ang nakalipas mula nang “panahon noong nalaman mong nagsimula ang pagmamana para sa iyo” bilang eksepsyon.
・Kung pinaniniwalaang walang kahit anumang pamanang ari-arian, kabilang ang liabilities tulad ng utang, at kung mayroong makatuwirang dahilan kung bakit pinaniniwalaan ito, ang 3 buwan na panahon ng konsiderasyon ay kailangang kalkulahin mula sa panahong nalaman ng tagapagmana ang kabuuan o bahagi ng mamanahing ari-arian, o sa panahong normal niya na itong malaman, batay sa judicial precedent ng Korte Suprema.

00212

Q15: Namatay ang isang dayuhang tumira nang maraming taon sa Japan at nag-iwan ng ari-arian sa Japan. Paano isasagawa ang proseso ng pagmamana?

  • Kung nakatira ang dayuhang nag-iwan ng pamana sa Japan noong siya ay namatay, maaaring isagawa ang proseso sa hukuman ng Japan (hukumang pampamilya).
  • Bilang pangkalahatang tuntunin, magdedesisyon alinsunod sa batas ng pinagmulang bansa ng dayuhang nag-iwan ng pamana, ngunit may mga kaso rin kung saan nagdedesisyon alinsunod sa batas ng Japan (Kodigo Sibil ng Japan).

(Paliwanag)
・Mayroong isyu ng internasyonal na hurisdiksyon “kung sa aling bansa at hukuman nito maaaring isagawa ang proseso” at isyu ng namamahalang batas: “desisyon alinsunod sa batas ng aling bansa.”




<<Internasyonal na hurisdiksyon>>
・Kung nakatira sa Japan ang taong nag-iwan ng pamana noong siya ay namatay, kinikilalang may hurisdiksyon ang hukuman ng Japan (hukumang pampamilya) para sa pagtakwil ng pagmamana.
・Para sa paghahati ng pamana, kung nakatira sa Japan ang taong nag-iwan ng pamana noong siya ay namatay, o kapag napagkasunduan ng mga tagapagmana na paghatian ang pamana sa hukuman ng Japan, kinikilalang may hurisdiksyon ang hukuman ng Japan (hukumang pampamilya).
・Gayunpaman, kung mayroon ding pamana sa ibang bansa, mayroon ding isyu tungkol sa kung maaaring ipatupad sa ibang bansa ang resulta ng arbitrasyon o paglilitis sa Japan ukol sa paghahati ng pamana. Kailangang pag-isipan nang mabuti kung naaangkop na isagawa ang proseso ng paghahati ng pamana sa hukuman ng Japan (hukumang pampamilya).




<<Namamahalang batas>>
・Ayon sa pribadong internasyonal na batas ng Japan (Act on General Rules for Application of Laws), nakatakda na “ang pagmamana ay alinsunod sa pinagmulang bansa ng taong nag-iwan ng pamana,” at ang namamahalang batas ay ang pinagmulang bansa ng dayuhang nag-iwan ng pamana. Halimabawa, kung may nasyonalidad na Koreano ang namatay na dayuhan, sa pangkalahatang tuntunin, ang batas ng Korea (Kodigo Sibil ng Korea) ang namamahalang batas.
・Gayunpaman, may mga kaso kung saan magkaiba ang patakaran ng pribadong internasyonal na batas sa pinagmulang bansa ng taong nag-iwan ng pamana, at ang batas ng Japan (Kodigo Sibil ng Japan) ang namamahalang batas. Halimbawa, ayon sa pribadong internasyonal na batas ng Tsina (Law Applicable to International Civil Relations), nakatakda na “para sa legal na pagmamana ng lupa’t bahay, ilalapat ang batas sa lokasyon ng lupa’t bahay,” kung kaya’t kung hindi lumikha ng will and testament ang dayuhang may nasyonalidad na Tsino at siya ay namatay, ang mamamahalang batas para sa pagmamana ng pinamanang lupa’t bahay na nasa Japan ay ang batas ng Japan (Kodigo Sibil ng Japan).
・Dahil komplikado ang isyu ng pagmamana, kabilang na ang internasyonal na bagay-bagay tulad ng nasa itaas, makabubuting kumonsulta sa eksperto tulad ng abogado, atbp. Dahil maaari ring kailanganing kumonsulta sa nauugnay na abogado, atbp. sa ibang bansa, inirerekumenda naming isama rin ang pagkumpirma nito sa inyong pagkonsulta.

03076

Q16: Ako ay dayuhan, kinasal ako sa aking asawang Hapones 2 taon na ang nakalipas at tumira kami nang magkasama. Nasanay na rin ako sa buhay sa Japan at masaya kaming naninirahan, ngunit biglang namatay ang aking asawa noong nakaraang araw. Ang aking kasalukuyang status of residence ay “Spouse or child of a Japanese national”. Maaari ba akong patuloy na manirahan sa Japan?

  • Kapag namatay ang iyong kasamahan sa bahay o kapamilya, kailangang magpadala ng notipikasyon ng kamatayan sa munisipyo sa loob ng 7 araw ng pagkamatay.
  • Bukod pa rito, kung namatayan ng asawang Hapones, hindi ka na “Spouse or child of a Japanese national,” kung kaya’t kailangan mong magpadala ng notipikasyon sa Regional Immigration Services Bureau sa loob ng 14 na araw.
  • Kung nais mong magpatuloy na tumira sa Japan sa hinaharap, kailangang magpalit sa status of residence na ipinapalagay na natutugunan ang kuwalipikasyon sa paninirahan sa loob ng 6 na buwan ng pagkamatay ng iyong asawa.

(Paliwanag)
・Kung namatayan ng asawang Hapones ang dayuhang naninirahan sa ilalim ng status of residence na “Spouse or child of a Japanese national,” kailangang pumunta siya sa Regional Immigration Services Bureau o magpadala ng notipikasyon sa Minister of Justice sa pamamagitan ng postal mail sa Tokyo Regional Immigration Services Bureau sa loob ng 14 na araw mula nang namatay ang asawa. Kung hindi mo ito gagawin, may panganib na mawala mo ang iyong status of residence, kung kaya’t kailangang mag-ingat.
・Upang patuloy na manirahan sa Japan, pagkatapos nito, kailangan mong isagawa ang proseso sa pagpalit ng status of residence sa loob ng 6 na buwan.
・Kung naninirahan na nang maraming taon sa Japan (3 taon o higit pang panahon na kasal) at may matatag na pundasyon ng pamumuhay, may mga kaso kung saan maaaring palitan ang status of residence bilang “Long-term resident,” ngunit sa kasong ito, maikli ang panahon ng pamumuhay sa Japan na mas mababa pa sa 3 taon, kung kaya’t mahirap palitan ang status of residence at patuloy na manirahan sa Japan.
・Gayunpaman, kung mayroon kang anak sa namatay na asawa at natutugunan mo ang ilang nakatakdang requirement tulad ng pangangailangang suportahan ang anak, pinapayagang palitan ang status of residence bilang “Long-term resident.”
・Bukod dito, kung mayroong hindi maiiwasang sitwasyon, mangyaring kumonsulta sa Immigration Services Agency.

03803

サブナビゲーションここから

Legal Information for Foreign Nationals(外国人のみなさまへ)


以下フッタです
ページの先頭へ